Sunday, April 29, 2012

Kung bakit may luha... Simple pero rock.

Noon, ang alam ko lang, umiiyak ang tao kasi nasasaktan siya. Pwede ding umiiyak siya dahil sobrang masaya siya. 'Yon lang noon ang alam kong dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao pero napagtanto kong mali pala ako.


Umiiyak ang tao dahil may mga damdamin siyang hindi matumbasan ng salita. Umiiyak siya dahil nag-uumapaw ang kanyang damdamin na halos wala ng mapaglagyan. Maaaring sa pagpatak ng kanyang mga luha nailalabas niya ang mga ikinukubli niyang damdamin o baka naman sa pagluha ay naisasalita niya ang mga gusto niyang sabihin. Ang luha simple lang pero rock. Sa pamamagitan nito, naiibsan ang anu pa mang sakit na nararamdaman ng isang tao.


Kahit ano pa mang dahilan ng pagluha, iisa lang ang masasabi ko. Mahalaga ang bawat patak ng luha at habang pumapatak ito, nangangahulugang tunay kang tao at nakararamdam kang totoo.